Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, August 9, 2021:
- Palakang bukid, pinakawalan pangontra sa mga lamok na may dalang dengue
- Lalaking may kondisyon sa pag-iisip na sinita dahil sa pag-iingay raw kahit curfew, patay matapos barilin ng tanod
- OCTA Research: ICU at hospital bed occupancy para sa COVID cases sa NCR, nasa ligtas pang lebel
- Mahigit 9,000 ang naitalang bagong COVID cases sa bansa
- Bakunahan sa Maynila, 24/7 na; bawal ang walk-in
- Galvez: Mga edad 12-17, posibleng isama na rin sa mga babakunahan sa Setyembre o Oktubre
- Batang gumaling sa malubhang karamdaman, gumagawa ng mga obra pantulong sa ibang batang may sakit
- Weather update
- Bahagi ng national highway, halos dalawang oras na hindi madaanan dahil sa baha
- SJDM-Caloocan checkpoint, nananatiling mahigpit
- DILG: Pamimigay ng ayuda sa mga residente sa ECQ areas, sisimulan sa Miyerkules
- Ilang grupo, namigay ng pagkain bilang tulong sa mga jeepney at pedicab driver na apektado ng lockdown
- PNP: Pinag-aaralan ang pag-alis ng checkpoints sa Metro Manila
- QC LGU, Muling nagpaalala sa publiko na hindi tumatanggap ng walk-ins sa vaccination sites sa lungsod
-Panayam ng Balitanghali kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar
- Kuwelang pagpapaalala ng isang tanod sa mga kabarangay ngayong lockdown, kinaaaliwan online
- Mga palakang bukid, pinakawalan sa mga creek at sapa sa Brgy. Matandang Balara pangontra sa dengue
- Modus na palit-pera, na-huli cam sa isang karinderya
- Mahigit P900 milyon halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa 9 na suspek; wala silang pahayag
- VP Robredo, tumanggi sa "unification formula" ni Sen. Lacson; itutuloy niya raw ang laban kapag nag-file ng kandidatura
- 25 Crew ng barkong galing Caticlan, may COVID; contact tracing sa mga pasahero at ibang staff, isasagawa
- AFP: 3 pang bangkay sa nag-crash na C-130 sa Sulu noong July 4, nakilala na
- 2 truck, nahulog sa bangin sa magkahiwalay na insidente; 1 patay, 7 sugatan
- Ilang aso, sinasanay ng BFP at PCG para makatulong sa search and rescue operations
- Mala-sing along videos ni Elton John at ng BTS, umani ng milyon-milyong views
- Naelah Alshorbaji ng Parañaque, kinoronahang Miss Philippines Earth 2021
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.